Friday, July 2, 2010
Another Pinoy Pride: LUIGI SENO
Basta pagdating sa kantahan, walang duda na tayong mga pinoy ay hindi pahuhuli sa larangang ito.
Sa bagong edition ng America's Got Talent, isa na namang kababayan ang nakapasa sa audition round. Siya ay walang iba kundi si LUIGI SENO, 2o taong gulang na tubong Mandaue, Cebu ngunit nag-migrate ang buong pamilya sa US noong 2001. (Para sa ibang personal na detalye, tsek nyo ang kanyang website dito.)
Sa pamamagitan ng kanyang acoustic guitar ay inawit ni Seno ang sariling bersyon ng "Sunday Morning" na kinanta ng isa sa paborito kong rock band na Maroon 5. At talaga namang napahanga niya ang mga hurado na sina Sharon Osbourne (ang brouhang asawa ni Ozzy, from MTV's The Osbourne fame), Howie Mandel (Deal or No Deal host) at Piers Morgan (news editor).
Well sana lang magtuloy tuloy ang swerte ni Seno para naman madagdagan pa ng pinoy talents invasion sa international music scene. With his charm and most of all the talent, he can be the male version of Charice!...What do u think?
______________________________________________________________________________
Labels:
luigi seno,
OPM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
good luck sa kanya!!! magaling siya!! facebook sensation siya dito sa office. hehehe
ReplyDeletewow! para syang si Jimmy Bondoc!!!...hope he can make it to the top!!!
ReplyDelete@gillboard: may fb pala sya?...makapag friend request nga! :D
ReplyDelete@Lene: sana nga! :D