Wednesday, October 21, 2009

International artists covering OPM Songs

Nang mapanood ko sa YouTube si FATHIN AMIRA ang pagkanta niya ng "Bakit Pa?" ni Jessa Zaragoza sa 2009 Singapore Idol kamakailan lang, nagkaroon ako ng idea kung ano ang susunod na post ko dito sa COVER CORNER.

Yes, special feature ko ngayon ang ilang kilalang international singers na di lang dumalaw at nagkonsyerto sa bansa bagkus ay nagbigay din ng pagkakataon na makagawa at makakanta ng mga awiting gawa ng pinoy.

Una sa listahan ay walang iba kundi si JULIO IGLESIAS, ang nagpasikat ng mga kantang "To all the girls Ive loved before" at "All of you". Maalalang ilang beses siyang nagpabalik-balik
sa Pinas dahil sa malaking suportang ibinigay ng mga Pilipino sa kanyang musika. At dito nya rin nakilala at napangasawa ang Philippine born meztiza socialite na si Isabel Preysler kung saan nagkaroon sila ng tatlong anak kasama na dyan si Enrique Iglesias.

Noong 1973, nagbigay ng magandang bersyon si Iglesias sa isa sa mga klasikong awiting pinoy, ang DAHIL SA 'YO.


Sinong makakalimot kay THALIA, ang Mehikanang aktres na parang bagyong bumulabog sa buhay ng mga pinoy at nagkaroon pa nga ng tinatawag na Marimar Fever noong dekada nubenta?...Nang dahil sa kasikatan ng kanyang telenovela ay dinala siya sa Pinas, nagkonsyerto at gumawa pa ng isang buong tagalog album!
Bago pa sumikat ang ilang Latino artists sa buong mundo gaya nina Ricky Martin at Jennifer Lopez, nauna nang nag-cross over si Thalia nang irekord niya ang album na NANDITO AKO (1997 Octoarts) kung saan naglalaman ang ilan sa mga orihinal na komposisyon at awitin nina Ogie Alcasid, Pops Fernandez, Jamie Rivera at iba pa.

NANDITO AKO



HEY IT'S ME


At si BRIAN MCKNIGHT, isa sa mga paborito kong r'n'b artist na nagpasikat ng mga kantang "Back at One" at "Still" ay nagbigay din ng isang di malilimutan at nakakainlab na tagalog rendition ng kantang SORRY SONG, mula naman sa album niyang U-TURN (2003).



Dahil na rin siguro sa likas na pagka-hospitable ang mga pinoy, nakatutuwang isipin na may mga ilang dayuhan na handang subukan ang ating kultura at musika.

At sa mga katulad nina Julio, Thalia at Brian na naghatid ng kakaibang himig ng sariling atin - Mabuhay kayo! - at asahan niyo na kayo ay mananatili sa aming mga puso. :D

#___________#_______________#_______________#

3 comments:

  1. well add mo sa listahan mo bro si Jr (foreign singer) nung 80's he made a movie with vilma santos and have a tagalog song also. pag na recall ko babalikan kita.

    ReplyDelete
  2. JR?...Never heard of him pero try ko research about him. And thanks for sharing din! :D

    ReplyDelete
  3. wow, this is informative... thank you for sharing. I think Enrique Iglesia's is delcious :D Didn't know his mom was born in the Philippines. Mabuhay ang Pilipinas!
    This post reminded me of Dayanara Torres (former Miss Universe), I love how she was able to learn Tagalog.

    ReplyDelete

comments