Grabe!...Di na talaga ma-reach ang ating pambansang kamao sa pagiging international celebrity!...Yez! Our very own MANNY PACQUIAO is one of the TOP 49 MOST INFLUENTIAL MEN OF 2009 by ASKMEN.COM.
After 500,000 votes were cast by this very popular lifestyle portal for men, the website announced the top lists which assembles a diverse collection of men around the world and from different industries including entertainment, politics, sports and technology. (Link here.)Manny Pacquiao is actually ranked #24 at ang nakakaloka pa nito, tinalo pa nya sa standing sina Tiger Woods (#30) Kobe Bryant (#33) Andy Roddick (#35) at Lance Armstrong (#49), o di ba bonggang-bongga?!!
Aside from being rated by RING Magazine as the #01 pound-for-pound boxer in the world to date, world's 6th highest paid athlete according to FORBES 2009, mga product endorsement, mga negosyo at iba pang investments, magandang pamilya at pagkakaroon ng sikat na mamita!- well mukhang sinalo na ni Manny ang lahat ng kaswertehan sa mundo at sana'y magtuloy-tuloy pa ito sa nalalapit na laban nila ni Cotto ngayong Nobyembre.
Eniwey, pakistream nyo na lang po ang musikang isisingit ko dito (dahil yun naman po talaga ang dahilan kung ba't ako nagba-blog he hee!...). Ang title niya ay SOME GUYS HAVE ALL THE LUCK. All i thought ay original ito ni Rod Stewart (1984) pero hindi pala. Ang orig na version nito ay kinanta ng grupong The Persuaders at noong 1973 pa!...Pero ang version naman na maririnig nyo dito ay isa sa paborito kong cover song of all time. Ito po ang rendition ng grupong CAMERA OBSCURA. Enjoy!
Sana hindi lumaki ang ulo ni Manny at di sya magbabago. At sana di sya malunod sa power if sya ay pumasok sa pulitika. Pinapapala ang ating kampyon na kamao.
ReplyDelete