Wednesday, December 16, 2009

PIOLO PASCUAL: DECADES


Nilaunch sa ASAP 09 last Sunday ang bagong album ni Piolo Pascual. Ito ay ang DECADES Songs from the 50'S, 60'S, 70'S released under Star records. Medyo nagulat pa ako ng malaman kong ikaanim na album na pala nya to!...I know na may mga hit singles na rin sya in the past at bumenta naman talaga ang kanyang mga records but it really surprised me na nakaraming album na pala sya. Hanggang ngayon kasi e hindi pa nagsi-sink-in sa akin na isa nga pala siyang recording artist.

Eniwey, yun na nga may bagong album si Papa P!...at dahil puro revival ang concept ng material e pang-Cover Corner naman talaga ang dating nito.

Kung nasanay tayo na napapanood at naririnig siyang kumakanta ng puro pop songs, dito ay pawang mga standards songs ang mga inawit niya...


Collector's Item naman talaga ang DECADES dahil nasa loob nito ang 12 standard tracks na nirecord ng live, 12 best photos ni PP to represent each songs, the lyrics at may calendar pa. :D

_______________________________________________________________

No comments:

Post a Comment

comments